
Vice, game sa pagbabalik ng ‘GGV’
Ni-reveal ni Vice Ganda na tumanggi pala siya sa ABS-CBN na ibalik ang dati niyang programa na Gandang Gabi Vice dahil hindi na niya kaya ang tatlong shows.
May nagtanong kasi sa X kung bakit hindi pa ibinabalik ng ABS-CBN ang GGV matapos nga itong itigil noong March, 2020.
Sumagot si Vice sa tweet na ito at sinabi nga ang dahilan kung bakit.
“I was actually asked by the management when i signed my new contract if i wanted to do GGV again. I couldnt do 3 shows anymore. Baka pagtapos ng Everybody Sing let’s see kung keri ko na. Pero seasonal na lng. Di ko na keri ung another 10 years,” ani Vice.
Sa ngayon kasi ay dalawa ang ongoing shows niya sa ABS-CBN, ang It’s Showtime at ang Everybody Sing.
Nagpapasalamat naman ang Unkabogable Star na kahit ilang years nang wala sa ere ang GGV ay natatandaan pa rin ito ng mga tao.
“Super nakakahappy na kahit ilang years ng di umeere ang GGV bukambibig pa din ito ng madami. Im so blessed to have 3 programs na kinakapitan talaga ng mga tao. It’s Showtime, GGV and Everybody Sing. Thank you ABS CBN,” aniya.
Inamin din ni Meme Vice na isa rin sa mga dahilan kung bakit siya nag-decide na itigil na ito noon ay dahil sa naubusan na rin sila ng ige-guest.
Pero ngayon ay iba na kaya nagpahiwatig din siya ng openness na ibalik ang GGV.
“Nagsawa na din ako sa paulit ulit na guests. Isa yun sa mga rason kaya i decided to sign off. Pero ngayon mukhang mas malalim na ang balon ng guests kasi sanib pwersa na ang mga networks (hopefully),” ani Vice.
Sey pa niya, “Pinuno ng GGV ng trophies ang bahay ko pero Everybody Sing gave me international recognitions. Um-ASIAN si accla eh!”