
Vic walang maintenance meds sa edad na 70
HINDI lang pala ang endorser nitong si Vic Sotto ang nakikinabang sa health benefits ng Sante Barley kundi maging ang maybahay niyang si Pauleen Luna.
Sa recent launch ng TV host-comedian bilang bagong mukha ng produkto, nabanggit niya na seryoso sa pagpapapayat si Poleng ngayon bilang mag-iisang taon na ang bunso nilang si Mochi ngayong January 23.
Bukod sa pagda-diet, pilates at intense exercise tulad ng spinning, nagte-take rin daw ng Sante Barley ang dating “Eat Bulaga” Dabarkads.
Katwiran ni Vic, kailangan talagang pangalagaan ang kalusugan para ma-enjoy ang buhay sa araw-araw.
Sa edad niyang 70, awa ng Diyos daw ay wala pa siyang tine-take na kahit na anong maintenance medicine.
“Isa sa regimen ko, lalo na sa pagkain, I only eat when it’s time to eat. Walang snacks, hindi rin ako ma-junk food, hindi ako mahilig sa sweets. ’Pag meron, tikim-tikim lang. I take everything in moderation kahit na alcohol or softdrinks, lahat ‘yan in moderation. ’Yun ang isa sa mga healthy style of living.
“As a matter of fact, hanggang ngayon, wala pa akong maintenance — hypertension, diabetes — ’di katulad nu’ng mga kasama ko sa programa (‘Eat Bulaga’), si Joey (de Leon), si Allan K, mga diabetic ’yan,” tsika pa ni Bossing.
Kasama ng healthy at clean eating, siyempre, ang exercise. Maliban sa paggo-golf, routine ng TV host-comedian ang pagbi-brisk walk sa kanilang village.
“First thing in the morning, bago mag-breakfast, Sante Barley muna,” ani Vic. “Ang daming benefits, cleansing, immune system mo malaking bagay, general health mo, talagang maaalagaan ng Sante Barley.”
Ayon naman kay Sante Barley CEO Joey Marcelo, si Vic, bilang isang institusyon sa industriya, ang perfect choice para sa 18th year ng Sante International.
Kinakatawan daw kasi nito ang qualities na mahalaga sa kumpanya gaya ng authenticity, vitality at proactive approach to health.
“Vic’s ability to connect with people and his genuine approach to wellness make him the perfect partner for Santé,” ani Joey. “Excited kami to see how this collaboration will inspire Filipinos to make health and wellness a priority.”
Para naman kay Bossing, excited siya sa partnership nila ng Sante.
“Honored ako to join Santé Barley sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mamuhay nang mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices. May tiwala ako sa Santé Barley at excited ako na ibahagi ito sa mga tao,” diin ni Vic.