Kris

VG MARK AT BIMBY ‘DI MAGKASUNDO — KRIS

July 1, 2024 Vinia Vivar 75 views

Inamin ni Kris Aquino na hindi magkasundo ang ex-boyfriend niyang si Batangas Vice Governor Mark Leviste at ang bunso niyang anak na si Bimby.

“Hindi sila nagkasundo nun’g ex. Hindi niya gusto, eh,” pagbubuking ni Kris sa panayam nila ni Bimby kay Ogie Diaz.

Wala nang nagawa si Bimby at napaamin na rin. “Okay mom. I tried to be polite,” natatawa niyang paliwanag.

Sabi naman ni Kris, “I know but I’m telling the truth and there’s nothing wrong with telling the truth.”

Ayon kay Kris, of course ay mahalaga sa kanya ang opinyon ng kanyang dalawang anak pagdating sa kanyang love life.

“It matters to me. Because he (Bimby) knows me best. Siya at si Kuya (Joshua, her eldest son), ‘yung opinyon nila really matters,” ani Tetay.

Tungkol naman sa bago niyang boyfriend na isang doktor sa Makati, ayon kay Kris ay na-feel niya talagang aalagaan siya nito.

“The reason siguro that I felt comfortable about him is because I feel na aalagaan niya ako and important ‘yun sa taong may nararamdaman na mahirap gamutin. Kasi you need someone na pwede mong sandalan,” sey ni Kris.

AUTHOR PROFILE