
Vendor sinaksak ng basag na bote, buhay
KULONG at nahaharap sa kasong frustrated murder ang lalaki na umano’y nanaksak ng 22-anyos na vendor gamit ang basag na bote sa eskinita sakop ng Brgy. 653 sa Port Area, Maynila noong Linggo.
Nakilala ang biktima na si Roman De Leon, binata ng Block 9 Extension, Brgy. 649, Baseco compound.
Natimbog ang suspek na nakilalang si Tony Pangilinan, 21, ng 11th St., Port Area.
Ayon sa ulat ng Port Area Police Community Precinct-4, bandang alas-12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente.
Inoobserbahan ang kalagayan ng biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center matapos ang pananaksak.