Janelle Larawan mula sa IG/Janelle Tee

Until further notice

May 18, 2024 People's Tonight 102 views

SUMASABAY talaga sa init madam.” Isa lamang ‘yan sa nasabi ng netizens sa hotness overload na patakam ng TV host-beauty queen at Vivamax actress na si Janelle Tee.

Nakakapatid ng uhaw para sa mga kalalakihan ang ibinandera niyang kaseksihan.

Sa kanyang Instagram page bidang-bida ang alindog ni Miss Philippines Earth 2019 sa mga bikini photos na kanyang ibinahagi.

“Beaching until further notice,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Angat ang pigura ni Janelle sa two-piece swimwear na kanyang suot. Talagang mawawala ang pagkatigang sa mundo ng pantasya ng mga kalahi ni Adan.

Nariyan pa ngang todo-display ang Vivamax actress sa kanyang wetpaks sa ilang larawan habang nasa resort.

Ilang netizens din ang nakaka-miss kay Janelle na magkaroon muli ng proyekto sa Vivamax para hindi lang sa mga larawan nila nasasaksihan ang kanyang sex appeal.

Binaha nila ng heart at fire emojis ang nasabing mga larawan ng TV host-beauty queen. Bet na bet nila ang ibinandera niyang wangkata.

AUTHOR PROFILE