Frasco

Ugat ng extreme traffic sa Cebu City busisiin–Rep. Frasco

February 17, 2024 Mar Rodriguez 94 views

INIHAIN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang House Resolution No. 1592 na humihiling sa House Committee on Transportation and Good Government at Public Accountability na bumuo ng dalawang komite na magsisiyasat sa traffic crisis sa metropolitan Cebu.

Ipinaliwanag ni Frasco na napakahalaga ng transportation sector sa Metropolitan Cebu kasunod ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya at pagpasok ng malalaking negosyo sa kanilang lalawigan.

Sinabi ni Frasco na ang metropolitan Cebu ang pumapangalawang premiere na siyudad sa Pilipinas kaya dapat lang maibsan ang traffic sa syudad.

Malaki ang ginagampanang papel ng metropolitan Cebu sa industrial, commercial at financial development ng Visayas at Mindanao regions.

Ayon sa kongresista, bunsod ng lumalaking population ng Cebu City at paglago ng ekonomiya nito, kasabay nito ang lumalalang problema ng kaniyang mga kababayan sa trapiko lalo na sa metropolitan area.

Ipinaliwanag ni Frasco na batay sa pag-aaral noong 2018 tinatayang P1.1 billion ang nawawala sa ekonomiya ng Cebu dulot ng hindi matapos-tapos o hindi maresolbang problema ng trapiko.

“Metro Cebu is the second fastest growing metropolitan in the country and has played an increasingly significant role in the industrial, commercial and financial development of the Visayas and Mindanao regions.

However, along with its growing population is the continuous worsening of its traffic situation,” sabi ni Frasco.

AUTHOR PROFILE