Sharon

Ubo’t sipon ni Sharon masahol pa sa Covid

June 12, 2024 Vinia Vivar 143 views

Humihingi ng dasal si Sharon Cuneta mula sa kanyang fans and followers dahil sa kanyang sakit.

Sa Instagram post ng Megastar, sinabi niya na sobra siyang napagod sa commercial shoot at nalamigan kaya nagkaroon siya ng malalang ubo at sipon.

“Earlier today i posted gifts & letters from my Sharonian Kids. Now lang i will mention that their timing was perfect — kasi i am sick! I shot a commercial last Sat., & sobra sobra akong napagod at nalamigan that when i got home late that night i felt something was coming na.

“True enough ang lakas ng ubo at sipon ko now and this feeling is what i hate the most!” pahayag ni Shawie.

Inireklamo rin ng megastar ang hirap na nararanasan ngayon dahil sa sakit na aniya ay mas mahirap pa kesa noong nagka-COVID siya.

“’Di makahinga sa sipon, di makatulog dahil sa ubo! Kinontrahan ng mga gamot ang trangkaso. Haaay ayoko magkaCOVID ulit pero mas mahirap pa ito kesa nung may Covid ako!!!” aniya.

“Please pray for me? I cannot stand congestion and ubo! Thanks so much. Love you all,” pagtatapos ni Sharon.

AUTHOR PROFILE