Dabarkads

TVJ vs Vice Ganda pa rin ang labanan?

June 23, 2023 Aster Amoyo 448 views

KUNG pagbabasehan ang mga sagot ng TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon) sa ginanap na media day (media conference) last June 20, 2023 sa Studio 6 ng TV5 Media Center in Mandaluyong City, mukhang “Eat Bulaga” pa rin ang magiging titulo ng kanilang noontime show sa TV5.

“Basta ako “Eat Bulaga” pa rin,” diin ni Bossing (Vic).

“Gawa na naman tayo ng bagong record. Kakalabanin natin mga sarili natin,” susog naman ng henyo na si Joey.

“Alam naman ng mga manonood kung ano ang legit at hindi. Ganoon ka- simple `yun,” susog pa ni Bossing.

“Basta ngayong July 1 ay malalaman ninyo ang titulo ng show namin,” deklara naman ni Tito Sen.

Bitbit ng TVJ at ng Dabarkads ang ilan sa mga production key people at kasama na rito ang dating head writer ng “Eat Bulaga”-turned director na si Poochie Rivera maging ang creative head and now Officer In Charge ng TVJ Productions, Inc. na si Jeny Ferre. Dala rin nila ang ilang popular segments ng dating “Eat Bulaga” tulad ng “Pinoy Heyo” at “Bawal Judgmental”.

Samantala, gaano kaya katotoo ang nasagap naming balita na majority ng advertisers ng dating “Eat Bulaga” ay susunod umano sa bagong show ng TVJ sa TV5 habang ang iba pa na meron pang existing contract with TAPE, Inc. ay tatapusin lamang umano ang kanilang kasunduan at sila’y susunod din sa bagong noontime show sa Kapatid Network?

Tiyak na magiging mainit ang pagsisimula ng TVJ & the Dabarkads sa TV5 gayundin ang “It’s Showtime” sa bago rin nilang tahanan, ang GTV ng GMA ngayoung July 1 dahil pareho nila itong paghahandaan.

May mga loyal supporters ang TVJ ng “Eat Bulaga” gayudin naman ang “It’s Showtime” na tinatampukan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Karylle, Amy Perez, Kim Chiu, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ion Perez at iba pa.

Ang TV5 ay pang-apat na tahanan na ng TVJ habang ang GTV ay pangatlo ng “It’s Showtime” after TV5 kung saan sila napanood sa loob ng isang taon.

Although bukas na ang partnership and collaboration ng mga TV networks, tuloy pa rin ang labanan ng kanilang respective TV programs.

Samantala, proud ang Dabarkads na kinabibilangan nina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon at Carren Eistrup na buo pa rin ang kanyang barkadahan with TVJ at sdahil sila’y ipinaglaban ngTVJ para makasama sa show.

‘High on Sex 2’ gustong lagpasan ang Part 1

NAGING hit on Vivamax streaming app ang 8-part sex comedy series na “High (School) On Sex” na pinamahalaan ni Direk GB Sampedro at ipinalabas nung June 2022. Ito’y tinampukan nina Wilbert Ross, Angela Morena, Denise Esteban, Robb Guinto kasama sina Katya Santos at Sheree. Dahil dito, nagkaroon ito ng part 2 na nakatakda namang ipalabas ngayong July 2, 2023 mula pa rin sa direksyon ni Direk GB at kung saan naman tampok ang mga baguhan ng Vivamax na sina Angelica Hart, Clifford Pusing, Apply Dy, Aiko Garcia, Aiko Avila, Cess Garcia, Van
Allen Ong, Jason Evans with Jamilla Obispo.

Malagpasan kaya ng part 2 ng “High (School) On Sex” ang tagumpay ng part 1 ng nasabing series considering na pawang mga bagito ang tampok sa cast nito?

Samantala, ang ibang hit projects ni Direk GB include “Purificacion,” “Hilim,” “5 in 1,” “Crush Kong Curly,” “Doblado,” “D’Ninang,” “Separados,” “Kaka,” “Tropang Torpe,” “Love is Love”, “U-Tol,” “Beloved” and “Mang Kepweng Returns”.

Maine at Maja parehong abala sa kanilang mga kasal

MaineMajaWALA mang ibinabahaging petsa at detalye ang nalalapit na magkahiwalay na kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde maging sina Maja Salvador at Rambo Nunez, tiyak na mangyayari ito sa susunod na buwan (July).

Hindi pa nagkakagulo ang “Eat Bulaga” at ang TAPE, Inc. na siyang producer ng longest-running noontime show ay naka-leave of absence na sina Maine at Maja sa programa kung saan sila kapwa kabilang . Pero si Maine ay dumalo sa contract signing ng TVJ at ng Dabarkads maging sa presscon na ipinatawag ng TV5.

Nakalimutan naming itanong kung bahagi pa rin ng bagong noontime program ng TVJ & the Dabarkads si Maja.

Parehong abala ngayon sina Maine at Maja attending to the details ng kanilang nalalapit na pakikipag-isang dibdib sa kanilang respective partners na sina Arjo at Maine.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE