Showtime1

TVJ at TAPE, Inc. muling magbabakbakan!… ‘It’s Showtime’ sisipain sa GMA Network

October 7, 2024 Jun Nardo 1389 views

HOW true ang sinabi ng aming source na hanggang December na lang umano ang telecast ng “It’s Showtime” sa GMA 7?

Lilipat daw sa ALLTV, ang Manny Villar network, ang “It’s Showtime” na kasalukuyan na ring napapanood sa nasabing network.

Ang papalit daw sa “It’s Showtime” ay isa ring noontime show at ang producer ay ang TAPE, Inc. na ang huling iprinodyus for GMA ay ang “Tahanang Pinakamasaya,” huh!

Heto na ang catch. Ang mamamahala umano sa nasabing show ay walang iba kundi ang batikang TV personality na si Malou Choa-Fagar.

Gaya ng napabalita, muling kinuha ng TAPE, Inc. si Malou bilang president at CEO ng kumpanyang nagpasimula ng longest-running show na “Eat Bulaga!”

Sa TAPE nagsimula si Malou at hinawakan ang “Bulaga” nu’ng nasa RPN-9 ito bago nalipat sa ABS at GMA hanggang sa napunta sa TV5 pero hindi na siya nakasama.

Kung totoo, bakbakan na naman ang TAPE at TVJ Productions, na producer ngayon ng “Eat Bulaga,” huh!

ANDREA ATRAS SA PAGTAKBO

PAGTUTUUNAN ng atensiyon ng actress at vice mayor ng isang bayan sa Batangas na si Andrea del Rosario ang anak na may special needs kaya umatras na siya sa pagtakbo.

Inihayag ni Andrea ang kanyang balak nang dumalo siya sa launching ng Sine Sindak : Ika Limang Yugto na collaboration ng Viva Films at SM Cinemas.

Festival ito ng horror movies ina mapapanod sa Halloween week sa lahat ng SM Cinemas mula October 30 hanggang November 5.

Kasama sa horror fest ang kinabibilangang movie ni Andrea na “Nanay at Tatay” pati na ang Viva movie na “Pasahero” at ilan pang foreign films gaya ng “House of Sayuri,” “Thorn: One Sacred Night” at iba pa.

AUTHOR PROFILE