
TVJ at legit Dabarkads, nagpamisa at ipina-bless ang gagamiting studio
Dalawang araw bago ang grand launch ng noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) and the whole legit Dabarkads, ngayong araw (Thursday, June 29) ay nagkaroon ng Mass at blessing ang studio na gagamitin para sa programa.
Makikita sa TVJ official Facebook page ang ginanap na mass and blessings sa studio ng TV5 na dinaluhan ng TVJ at mga Dabarkads.
“TVJ and the Legit Dabarkads during the mass and blessing of our new home!” ang nakasaad sa caption.
Makikita rin sa larawan ang asawa ni Bossing Vic na si Pauleen Luna na tila isa sa mga abala sa naturang kaganapan.
As we write ay wala pang inaanunsyong titulo ang TVJ at TV5 sa noontime show kaya inaabangan ng lahat kung “Eat Bulaga” pa rin ito o iba na.
Inaabangan din ng mga tao ang banggaan ng tatlong noontime shows sa July 1, Sabado – “It’s Showtime” sa GTV and A2Z, “Eat Bulaga sa
GMA-7 at ang TVJ sa TV5.
Marami raw pasabog ang TVJ sa kanilang grand launch at hindi rin naman magpapahuli ang “It’s Showtime.”