Bautista

Turismo: Travel tax dapat alisin na

December 12, 2021 People's Tonight 1141 views

ALISIN na dapat ang pangongolekta ng travel tax sa mga Pilipino na bumibiyahe palabas ng bansa”.

Ito ang inihayag at kahilingan sa pamahalaan ni Atty. Marco Bautista, nominee ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO).

“Malaking ginhawa sa mga kababayan nating biyahero kung matutupad ang naturang panukala na ma-repeal ang probisyon ng Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009 na nagpapataw ng travel tax na P1,620,” sabi ni Bautista.

Ang TURISMO Partylist ay isa sa 165 partylists na kinilala ng Commission on Elections (Comelec) bilang kalahok sa May 9, 2022 national elections.

Ayon sa RA 9593, 50 percent ng travel tax collection ay napupunta sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), 40 percent sa Commission on Higher Education (CHED), at 10 percent sa National Commission on Culture and Arts (NCCA).

Layunin ng TURISMO Partylist na paglaanan na lamang ng Kongreso ang mga pondo ng TIEZA, CHED at NCCA mula sa annual national budget o General Appropriations Act.

“Sa pamamagitan ng TIEZA, dapat bigyan ng malaking budget ang mga lokal na pamahalaan para sa pagpapaganda at pangangalaga ng kanilang mga tourist attractions,” pagbibigay-diin pa ni Bautista.

Ani Atty. Bautista, salat sa pondo ang mga LGUs para sa sustainable development ng kani-kanilang turismo industry na nahinto dahil sa Covid pandemic crisis.

“Malinaw na hindi maaasahan ang travel tax revenues para sa pondo ng TIEZA sa panahon ng kalamidad tulad ng pandemya kung saan ipinatutupad ang travel ban sa ilang mga bansa na apektado ng Omicron variant,” sabi ni pa Bautista.

AUTHOR PROFILE