Patay TIGOK–Dead-on-arrival ang biktima matapos masalpok ng motorsiklo habang tumatawid sa Capulong St., Tondo, Maynila.

Tumatawid sa Tondo, nasalpok nakarating sa kabilang buhay

May 13, 2024 Jonjon Reyes 65 views

PATAY ang lalaki habang tumatawid makaraang masalpok ng motorsiklo sa Capulong Road sa Brgy. 151, Tondo, Maynila noong Linggo.

Nakilala ang biktima na si Benjamin Nido ng Tondo, Maynila.

Tumilapon ang biktima kaya isinugod sa Tondo Medical Center pero namatay dakong alas-9:25 ng gabi.

Sugatan naman ang rider na nakabangga na si Marky Justine Fulinara ng mawalan ng balanse at sumemplang.

Naisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang rider na nagtamo ng mga galos sa katawan pati ang kanyang backride.

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Ferdinand Ian Cacatian ll, kay Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Vehicular Investigation Traffic Section (VITS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-6:37 ng gabi ng maganap ang insidente.

AUTHOR PROFILE