
Tulong sa nasunugan inuna ng ATeacher, kampanya tuloy pa rin
PATULOY na uma-arangakada sa mga campaign sorties ang ATEACHER Partylist sa Bulacan na pansamatalang nagbigay ng oras upang mag-abot tulong sa mga libo-libong biktima ng sunog sa Tondo, Manila.
Personal na nagtungo sa lugar si Virginia Rodriguez at ang kanyang grupo matapos magsagawa ng motorcade sa Sta. Maria Bulacan para mag-bigay ng tulong sa mga biktima ng sunog na nawalan ng tahanan.
Nagpasya si Rodriguez na bigyan pansin ang mga nasunugan sa Pas Compound, Port Area, Tondo Manila noong April 23.
Pinangunahan ni Virginia Rodriguez, nominado ng ATeacher Partylist, ang pamamahagi ng mga tulong tulad ng bigas, de-latang pagkain, mineral water, hygiene kits at damit para sa mga evacuees.
“Matagal na rin namin ginagawa ang pamamahagi ng tulong sa mga nasunugan natin mga kababayan noon pa po Kya noong tumawag po sa akin ang mga nasunugan natin mga kababayan sa Tondo.Namahagi po kami agad ng mga importateng bagay- hygiene kits, kitchen essentials, sleeping kits, grocery items, mga damit, bigas , at mineral water. Isa itong tulong para sa ating mga kababayan lalo na ngayon panahon ng krisis.,” sabi ni Rodriguez.
Si Rodriguez, kilala bilang isang philanthropist, ay nag-pahayag ng taos-pusong dalangin para sa kaligtasan ng bawat bikitma ng sunog at nangako siyang ipagpatuloy ang pagtulong sa mga biktima sa abot ng kanyang makakaya at patuloy ang kanyang dedikasyon sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Nagbigay din ng libreng pagkain ang ATeacher partylist sa libu-libong biktima ng sunog, bukod pa sa pamamahagi ng mga mahahalagang pangangailangan.
Patuloy na nangunguna ang Ateacher partylist sa survey sa halos lahat ng poll survey dahil sa programa nito na iangat ang buhay ng mga mahihirap.
Nag pasalamat naman ang mga biktima ng sunog kay Rodriguez dahil sa walang sawang pag tulong at tunay na pag-aalaga nito sa bawat nangangailang ng tulong.
Samantala, pinasalamatan ni Rodriguez ang mga lokal na lider at iba pang pribadong organisasyon para sa kanilang pagsisikap at pagkakaisa sa pagtulong na pagtagumpayan ang mga hamon sa buhay.