Default Thumbnail

Tulak ng droga timbog sa buy-bust

February 10, 2022 Jonjon Reyes 291 views

LAGLAG sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) Malate Police Station 9 ang target ng buy-bust operasyon sa Pablo Ocampo St., malapit sa A. Mabini St. hapon ng Miyerkules sa Malate, Manila.

Nakilala ang suspek na si John Ryan Oraa, 22, binata, delivery rider at residente ng P. Dandan St., Pasay City.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng Malate Police Station 9, bandang 5:35 ng hapon nang ikasa ng kanyang mga tauhan ang isang buy-bust operation sa nasabing lugar.

Iniutos nito kay P/Lt. Josephus Melpas, hepe ng SDEU, ang pagsugpo sa iligal na gawain ng suspek sa lugar na kung saan umano talamak ang bentahan ng shabu.

Dahil dito, matapos makumpirma sa isang asset, dito na nagpanggap na buyer ang isa sa mga operatiba ng SDEU.

Nahuli ang suspek sa ipinain na P500 marked money at isinigawang transaksyon.

Narekober ang 7 pirasong plastic sachets ng shabu na nasa 5.5 gramo na may halagang P37,400.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Gayunman, pinuri at pinasalamatan ni MPD Director, P/BGen. Leo “Paco” Francisco si Lt. Col. Borbe at ang buong team ng SDEU, sa patuloy na pagsugpo ng iligal na droga. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE