
Truck driver patay, 2 sugatan sa banggaan
PATAY ang driver ng trailer truck habang sugatan naman ang pahinante at driver ng dump truck na nagsalpukan sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Manila noong Biyernes.
Nasa 29 hanggang 35-anyos ang biktima, may taas na 5′ 6 , nakasuot ng puting t-shirt at cotton pants.
Isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang isang pahinante na nakilalang si Ruel Fernandez.
Base sa ulat, bandang alas-3:40 ng madaling araw ng maganap ang banggaan ng dalawang truck sa nasabing lugar.
Nahaharap sa kasong Homicide, Physical Injury at Damage to Property ang mga sangkot sa banggaan.
Naganap ang banggaan sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard pagsapit sa panulukan ng JV Paz St. ng bumangga ang trailer truck sa likuran ng dump truck.
Tumilapon ang pahinante ng dump truck na nasugatan din at isinugod din sa Ospital.