Trina

Trina umani ng suporta’t simpatiya mula sa netizens

June 10, 2024 Vinia Vivar 122 views

Umani ng katakut-takot na suporta at simpatiya mula sa netizens ang social media post ng dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza.

Nag-post ng larawan ng isang blank rough wall si Trina sa Instagram last Sunday na araw ng kasal ni Carlo kay Charlie Dizon.

Walang caption na inilagay ang ina ng anak ni Carlo pero ipinalagay netizens na ang blank rough wall ay sumisimbolo sa emosyon ni Trina nang mga sandaling iyon.

Matatandaan na nagkaroon ng relasyon sina Trina at Carlo noong 2019 at naghiwalay noong 2022. Nagkaroon sila ng isang anak, si Mithi.

Last Sunday, June 9, ginanap ang union nina Carlo and Charlie sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Sa comment section ng post ni Trina ay maraming netizens ang nagpahayag ng simpatiya sa kanya at kanya-kanya silang pagbibigay ng words of comfort sa ex ni Carlo.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Yong nakita q yong news about wedding ni Carlo at Charlie siya agad naisip qoh. Sabihin man natin matagal ng hiwalay pero nd madali sa isang babae makalimot lalo na my anak sila. Ako yong nasaktan keep strong Miss Trina.”

“Darating ang araw na mag mamahal ka ulit ms trina… ganun talga minsan may mga bagay na hndi para satin meron namang mga taong pinili tayong saktan para lang sa kaligayahan nila.. alam namin gano k kastrong basta lagi mo lang tandaan kapag kailngan ng ilabas yung bigat ng damdamin umiyak kalang. Lab you.”

“When I heard that Carlo Aquino got married today, I immediately thought of her and Mithi.”

“Wala ako sa posisyon mo pero ramdam ko ung sakit, mahigpit na yakap.”

“Ikaw talaga naiisip ko habang sila ang laman ng newsfeed ko.. i really feel the pain. Hugs momsh.”

“Sometimes the Lord’s NO is the best answer to reveal His Yes in His perfect time! I cannot wait until the Lord bestow it for you and Mithi!”

“Blankness and roughness of emotions… hugs ms. trina… the right guy will come to you in a way you never expected… pray ka ni God na bibigyan ka niya ng lalaking makakaintindi sayo… yong mas mahal ka…”

“I feel the pain. Gawin mong inspirasyon si mithi. Ipasadiyos mo lahat, magiging okay ka rin. Not now but soon.”

“Be strong. Lilipas din yan nararamdaman mo. Focus Ka sa anak mo. Keep going. May right man for you.”

AUTHOR PROFILE