Default Thumbnail

Tricycle sinalpok ng van; 1 tigok, 2 sugatan

June 23, 2024 Jonjon Reyes 59 views

PATAY ang 11-anyos na batang babae at sugatan ang 7-anyos na bata at ginang nang salpukin ng tricycle na sinalpok din ng Suzuki van sa Solis St., 19 De Hunyo, Gagalangin, Tondo, Maynila noong Sabado.

Hawak na ng mga operatiba ng Manila Traffic Enforcement Group ang driver ng van na si Juan Paulo Bautista, 39.

Nabatid sa report ni PCpl. Rudolf Riddick Fajardo na nagma-maniobra si Bautista ng Suzuki van (NEJ 1277) ng maapakan ang pedal ng gasolina kaya bumangga sa L-300 van at tricycle na siya namang humampas sa biktima habang naglalakad.

Maging ang dalawa pang naglalakad inabot din ng sasakyan na kitang kita pa sa CCTV ng Barangay.

Isinugod sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Princess, 11, pero namatay din habang inoobserbahan pa ang dalawang nadamay na si Samantha, 7, at Mhel Angeles, 24.

Bandang alas-2:00 ng madaling araw naganap ang aksidente, ayon sa report.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Physical Injury at Damage to Property ang driver.

AUTHOR PROFILE