Tricycle

Tricycle driver utas sa pamamaril

April 20, 2025 Gil Aman 183 views

UTAS ang lalaki na binaril sa tagiliran habang nagda-drive ng traysikel noong Linggo sa Calamba City

Ayon kay Dr. Dieter Demmel Jr. ng Pamana Hospital, nasawi ang biktimang si alyas Roosevelt dahil sa tama ng bala galing sa baril ng hindi nakilalang suspek.

Ayon sa isang Barangay Public Safety Officer (BPSO), bandang alas-12:10 ng madaling araw naganap ang pamamaril sa Burgos St., Brgy. 2 ng lungsod.

Minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle (D394F1) ng biglang tinapatan ng suspek at binaril saka tumakas.

AUTHOR PROFILE