Winner GRAND WINNER–Tinanghal ang Tribu pan-ay ng Ilo-ilo Dinagyang Festival bilang grand champion matapos magsagawa ng dance street performance sa Aliwan Festival sa Aliw Theater Cultural Center of the Philippines Complex. Kuha ni JonJon Reyes

Tribu pan-ay grand champ sa Aliwan fest

June 30, 2024 Jonjon Reyes 73 views

TINANGHAL na grand champion ang Tribu pan-ay ng Ilo-ilo sa Dinagyang Festival sa Aliwan Festival sa Aliw Theater, Cultural Center of the Philippines complex sa Pasay City noong Sabado.

Kabilang sa mga tinalo ng Dingyang ang Dinamulag Mango Festival ng Iba Zambales, Halaman Festival ng Guiguinto Bulacan, Tugtugan Festival ng Ilo-Ilo, Antipolo Maytime Festival, Lakbayaw Festival ng Maynila, Panagbenga Flower Festival ng Baguio City, Pinagkakaduan-an Festival ng San Felipe Zambales, Dinagyang Festival ng Ilo-Ilo, Bodong Festival ng Rizal, Kalinga, Cagsawa Festival ng Daraga Albay, Hamaka Festival ng Taytay Rizal, Sinulog Festival ng Cebu, Kaogma Festival ng Baao, Camarines Sur, Niyogyugan Festival ng Pagbilao, Quezon at Meguyaya Festival ng Upi, Maguindanao.

Pinangunahan ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto Rubiano ang pagpalo sa gong bilang pagbubukas ng kompetisyon kasama sina Ruperto Nicdao Jr., presidente ng MBC Media Group (MMG) at Ellen Fulido ng MBC Media Group, bandang alas-3:00 ng hapon.

Ang mga contingent mula sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa nagtanghal ng iba’t-ibang performances kabilang ang Tugtog ng aliwan, pasakalye concert, Reyna ng Aliwan Pageant at ng grande Parade and streetdance competition ng Aliwan Fiesta 2024.

AUTHOR PROFILE