Mark

Trabaho ni Mark Anthony naapektuhan ng video scandal

July 30, 2024 Vinia Vivar 989 views

Nakaapekto umano nang malaki kay Mark Anthony Fernandez ang kinasangkutang video scandal.

Ayon kay Ogie Diaz, tinanggal ang aktor isang proyekto na ginagawa.

“Syinonggal (tinanggal) siya! Oo. At ang nakarating sa akin ay siya’y pinalitan ni Dominic Ochoa. Nakakaloka,” ani Ogie.

Ang sinabi lang daw na rason sa kanya ng source niya ay dahil nga sa lumabas na video scandal.

“Nakaapekto, oo,” sey niya.

“Siyempre, hindi naman natin masisi si Mark kung talagang compilation lang niya ‘yun, kaya lang, eh, lumabas, hindi ba?” dagdag pa ni Ogie.

Payo niya sa mga artista ay huwag na sanang i-video pa ang ganitong bagay.

“Kasi, hindi n’yo alam, ‘yung ka-partner n’yo, posibleng makagalit ninyo, tapos hawak niya ‘yung video, o, eh, di ‘yun ang bala nila sa inyo. O, anyway, ingat na lang po tayo,” payo ni Ogie.

Matatandaang kumalat kamakailan ang sex video kung saan ay mapapanood ang isang lalaki na kamukha diumano ni Mark Anthony kasama ang isang hindi kilalang babae.

HEALTH ISSUE NI CHIZ INAMIN NI HEART

Okay na okay na ngayon ang health condition ni Senate President Chiz Escudero, ayon sa kanyang wifey na si Heart Evangelista.

“He’s very good. He’s super-good now,” sey ni Heart sa panayam ni Boy Abunda last Monday.

Matatandaang nitong nakaraang Abril ay napabalitang nagkaroon ng mild stroke ang senador at isinugod umano sa St. Luke’s Medical City in Taguig.

Pero hindi na nagbigay pa ng pahayag ang mag-asawa tungkol dito.

Inamin ng aktres na talagang nagkaroon ng health issue ang mister.

“He had an episode. I mean, you know, it was an episode and it was a scary episode, but it was a wake-up call for all of us to just really make sure that health is wealth,” she said.

Ngayon daw ay perfect na ang lahat at sisiguraduhin niyang mananatiling perfect dahil hindi niya kakayanin kapag nawala ang mister.

“And now he’s doing very, very good, everything perfect, and I make sure na perfect. Kasi if he goes, I go. You jump, I jump. I swear, ako na lang ang mauna. Hindi ko talaga kaya,” aniya na nagsimula nang maging emosyonal.

“Iiyak na naman ako. Hindi ko talaga kaya. Hindi talaga. Huwag naman,” seryoso niyang wika.

Pinuna ni Kuya Boy ang pagiging emosyonal ni Heart when it comes to this matter.

“Yes, because it is a cruel world, ayan na naman ako, it is. It’s a mean world. And without Chiz, I don’t know how will I survive because he’s my everything. Of course, God’s my everything, but… mauna na lang talaga ako,” she said.

Sinabi rin ng global fashion icon na ang gusto niya sa kanyang every waking moment ay kasama niya ang kanyang asawa.

AUTHOR PROFILE