Default Thumbnail

Trabaho nalikha sa Maynila

June 27, 2024 Edd Reyes 71 views

NAKALIKHA ng trabaho sa Special Recruitment Activity (SRA) sa Maynila noong Huwebes sa Park N’ Ride building sa Ermita, Manila.

Sinabi ni Manila Public Employment Service Office (PESO) Director Fernan Bermejo na ginawa ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang initiative para maging madali ang pag-aaplay ng trabaho ng mga Manileño.

Naikasa ang isang araw na aktibidad simula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa Room 202 2nd floor ng PESO Annex Office sa Park N’ Ride Building sa Lawton, Ermita sa pakikipagtulungan ng Bescholar Manpower Services, Inc.

Kabilang sa mga trabaho na makukuha ang 200 babaeng casino dealer, 20 receptionists at 20 sales associates.

Inalok na trabaho din ng manpower services ang accounting staff, HR-ER assistant, office staff, store manager, receptionist, sales executive, janitor, driver, waiter, waitress, housekeeper at maging abogado.

Wala pang detalye si Bermejo kung ilan ang natanggap agad sa trabaho bagama’t pinayuhan niya ang mga kuwalipikadong aplikante na hintayin lang ang tawag o mensahe ng kompanya kung kailan sila puwedeng magsimula na sa trabaho.

AUTHOR PROFILE