Paul Gutierez

Totoong malasakit ni PBBM sa mga OFWs

February 8, 2024 Paul M. Gutierrez 456 views

HINDI lang basta ipinangako, higit sa lahat, trinabaho at tinupad!

Ganito natin inilalarawan ang ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa kapalaran ng mga kababayan nating overseas Filipino worker(OFWs), na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia dahil sa pagka-bangkarote ng mga kumpanyang pinapasukan nila mula noong 2015 at 2016.

Ibinalita ni PBBM na nagpalabas na ang pamahalaan ng Saudi Arabia ng nasa 1,104 indemnity cheques na nagkakahalaga ng mahigit P868.7 milyon bilang kabayaran sa sweldo, insurance claims at iba pang benepisyo ng mganaapektuhan sa pagsasara ng mga kumpanya doon kung saan 843 sa mga tsekeng ito ay na-proseso na ng Land Bank, habang tuloy-tuloy na ang ginagawang pagbabayad ng gobyernong Arabo.

Ang matagumpay na pamamahagi ng labor claims ng ating mga OFWs ay bunga ng masusing pakikipag-usap ng ating Mahal na Pangulo sa Crown Prince ng Saudi na si Mohammed bin Salman Al Saud, na nauna nang nangako kay PBBM hinggil sa kompensasyon, sa naganap nilang bilateral meeting sa APEC Summit sa Bangkok, Thaiand noong Oktubre nakaraang taon.

Pagbalik noon ni PBBM sa bansa ay agad niya itong ibinalita, at ngayon nga ay nagkaroon na nang katuparan.

Ganyan ang mga nangangako, mga kababayan, pinagsusumikapan para matupad. Hindi tulad ng iba na madalas ay napapako – dahil ang katwiran, “pinangakuan na, aba’y gusto pa daw matupad.” Hehehe.

Tiyak natin na damang-dama ng mga OFWs at mga pamilya nila ang tunay namalasakit at pagmamahal ni PBBM para isulong ang kanilang kapakanan at karapatan.

Dapat din natin pasalamatan, mga mahal nating OFWs, si dating Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Toots Ople, na sumakabilang na.

Noong nabubuhay pa ang kalihim, siya ang pangunahing “sundalo” ni PBBM sa pakikipag-negosasyon sa Saudi government, bago pa man ang APEC noong Oktubre.

Kaya natitiyak natin na masaya ngayon si Secretary Toots sa kapalaran ng mga OFWs, dahil batid natin na bago pa man siya sumapi sa gobyerno, ay krusada na niya ang umagapay at ipaglaban ang kapakanan ng mga OFWs.

Makakaasa ang iba pang OFWs na apektado ng naturang krisis na makakakuha lahatng kaukulang kompensasyon, dahil tinitiyak natin na tuloy-tuloy na makikipag-ugnayanng ating pamahalaan sa Saudi Arabia.

Sana ay tularan ng lahat ang ating mahal naPangulo na totoo at seryoso sa kanyang pangako.

AUTHOR PROFILE