
Toni pinadalhan ng bulaklak si Mariel sa gitna ng IV drip issue
Matapos magpadala ng apology letter sa Senado hinggil sa IV drip controversy ng asawang si Mariel Rodriguez, ayaw nang pag-usapan pa ni Sen. Robin Padilla ang issue at nais na niyang tuldukan ito.
Last Monday ay nagpadala nga ng liham si Binoe kina Senate Medical and Dental Bureau Chief Dr. Renato DG Sison at Senate Sergeant-at-Arms retired Lt. Gen. Roberto Ancan at humingi ng dispensa sa nangyari.
Nang araw ding iyon ay hinintay siya ng media matapos ang plenary session sa Senado para kapanayamin.
Sa video na ibinahagi ng ABS-CBN ay maririnig na tinanong si Binoe kung may separate letter ba siyang ipinadala kay Sen. Nancy Binay.
“Hindi, dito lang, sa ano (Senado), opisyal na ‘yun,” sey ng action star/politiko.
Matatandaan kasi na nagsalita rin si Sen. Nancy tungkol sa issue at inihayag ang pagkontra sa ginawa ni Mariel.
Tinanong ulit si Binoe kung ano ang laman ng kanyang letter at aniya, tigilan na ang issue.
“Alam n’yo, tigilan niyo na ang political issue na ‘yan, nakakaano, sa totoo lang. Ang dami nating dapat pag-usapan. Hindi siguro ‘yung ganitong… wala naman tayong ano. Okay? Thank you po,” he said.
Samantala, sa gitna ng pambabatikos kay Mariel ay na-touch naman si Binoe kay Toni Gonzaga na nagpadala ng bulaklak sa kanyang misis.
Sa kanyang Facebook page ay pinuri ng action star/politiko ang sweet gesture ni Toni.
“Ito ang tunay na kasama. Nakaharap at nakatalikod hindi ka ihuhulog. Solid Ginang Toni Gonzaga. Tinulungan na ako sa aking kandidatura. Wala pang iwanan,” saad ni Binoe.
“Eh ‘yun kasama na hindi ka pa tinatanong at hindi pa batid ang katotohanan hinulog kana,” aniya pa.