Toni Larawan mula sa IG/@tonifowlerpo

Toni Fowler inaway ang dyowa nang mapikon kay Tyronia: ‘Hihiwalayan kita, gets mo?’

October 29, 2023 People's Tonight 287 views

PINAGSABIHAN ng ‘Batang Quiapo’ star at content creator na si Toni Fowler ang kanyang partner na si Vince Flores matapos nitong mapagtaasan ng boses ang kanyang anak na si Tyronia.

Sa latest episode ng reality show ni Toni sa YouTube, mapapanood ang pagsundo ng dalawa kay Tyronia. Sey ni Vince ay napipikon na siya sa anak ni Toni dahil hindi nito sinasagot ang tawag at hindi agad lumabas ng paaralan.

Hindi ikinatuwa ni Toni ang naging reaksyon ng kanyang dyowa dahil hindi naman daw ito ang tunay na ama ng kanyang anak at siya ang karapatang magdisiplina rito.

“Ako ang disciplinarian kay Tyronia. Ano ka bata? Mapipikon ka sa bata? Bata ka rin? Pikon na pikon ka? Ilang beses tayo nag-usap na huwag mo gaganunin anak ko? Ilang beses tayo nag-usap? Gusto mo realtak-in kita?” sey ni Toni kay Vince.

“Hindi mo anak si Tyronia. Wala kang karapatan. Ilang taon kong pinaghirapan yan kaya wala kang karapatan na sabihang pikon na pikon ka sa anak ko,” pagpapatuloy ng ‘Batang Quiapo’ star.

Paliwanag pa ni Toni na ayaw niyang lumaki ang anak na galit kay Vince. Pinagbantaan pa niyang mauuwi na lamang daw sa hiwalayan ang kanilang relasyon kung ayaw ni Tyronia sa dyowa niya.

“Ako ang may karapatang magsalita, ayoko siyang magalit sa’yo. Lumalaki na yan, magiging teenager na yan. Gusto mo mangyari sa kanya, ‘Mommy, ayoko ‘yung boyfriend mo,” wika ni Toni.

“Eh kung ikasal tayo, ‘Ayoko ‘yang asawa mo.’ Hihiwalayan kita. Gets mo?” dagdag pa niya.

Samantala, inamin naman ni Vince na ayaw niyang may masamang mangyari kay Tyronia at nadala lamang siya ng takot kaya niya ito napagtaasan ng boses.

AUTHOR PROFILE