Default Thumbnail

‘Toll-free expressway,’ puwede pala!

June 21, 2024 Paul M. Gutierrez 369 views

Paul GutierezMAGANDANG balita para sa lahat ng mga biyahero, commuters at lahat ng mga dumadaan dyan sa Cavitex (Manila-Cavite Toll) Expressway:

Pinamamadali na ni Pang. BBM sa Toll Regulatory Board (TRB) ang inisyatiba ni Atty. Alex Lopez, ang chairman ngayon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang implementasyon ng ‘no toll fee collection’ sa Cavitex sa loob ng isang buwan o 30 araw.

At take note, hindi lang mga kotse at mga SUVs ang libre sa pagbabayad ng toll gate, bagkus, lahat ng klase ng sasakyan na bumabagtas dito, mula sa Taguig, Para, mula sa Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor at Kawit.

Sa magandang balita, mismong si PBBM na ang nag-anunsiyo nito dahil nga nakapalaking ginhawa ito sa milyones na mga sasakyan na dumadaan sa Cavitex kada buwan.

Mantakin nga naman, sa hindi masawatang pagtaas ng presyo ng krudo, malaking ginhawa na hindi na “makaltasan” ang mga operator at drayber ng mga pampubliko at pribadong sasakyan ng gastos sa toll fee, tama ba, Mommy Tess L?

Kilalang magaling at respetadong negosyante si Atty. Alex, bukod pa nga na siya ay galing sa respetadong pamilya ng mga pulitiko at lingkod-bayan sa Maynila, kung saan siya ang tumatayong kasalukuyang ‘party chairman’ sa lungsod ng Partido Federal ng Pilipinas, na nagdala sa kandidatura ni PBBM noong halalan.

Kabalikat naman ni Atty. Alex sa pagpapabuti ng operasyon ng PRA ang kanyang mga board of directors na sina GM Cesar Siador, Onyx Crisologo Steve Dioscoro Esteban Jr. at, Nolasco Bathan.

Kasalukuyang may usaping ligal naman sa pagitan ng grupo ng oligarkong si Manny V. Pangilinan at ang Cavitex Tollway Corporation, isang korporasyon sa ilalim ng PRA, patungkol sa “kanino” dapat mapunta ang binabayarang ‘toll fee’ ng mga dumadaan sa Cavitex, subalit inaasahan namang mareresolba ito pabor sa gobyerno.

Sa totoo lang, sa ilalim lang din ni Atty. Alex “nagkabistuhan” sa ilang mga kuwestyunableng mga pangyayari d’yan sa PRA, kasama na nga itong isyu sa grupo ni MVP. Translation? Kung hindi pa siya naitalaga ni PBBM, hindi malayong patuloy na hindi mabisto ang mga “lihim ng Guadalupe,” hehehe!

At dahil likas na mabait at nakauunawa sa kalagayan ng ating mga kababayan, hindi malayong “maulit” ang free expressway travel” d’yan sa kabuuan ng Cavitex! Ito ay sa sandaling matapos na ang mga usaping legal ng PRA at MVP Group pabor sa gobyerno, kaya…

Abangan!

AUTHOR PROFILE