Naval NAVAL BASE–Kasama ni Sen. Francis “Tol” Tolentino si Philippine Navy flag-officer-in-command Rear Admiral Toribio Adaci, Jr. sa pagpapasinaya sa naval detachment sa Mavulis Island, ang pinakadulong isla sa hilaga ng Batanes, malapit sa Taiwan Strait.

Tolentino nanguna sa inagurasyon ng bagong naval base sa Mavulis Island

October 19, 2023 People's Tonight 162 views

PINANGUNAHAN ni Sen. Francis Tolentino noong Miyerkules ang inagurasyon ng bagong naval detachment sa Mavulis Island, ang pinakadulong isla sa hilaga ng Batanes malapit sa Taiwan Strait.

Isa sa mga priority sites sa Philippine Navy Strategic Basing Plan 2040 ang bagong bukas na Forward Operating Base (FOB). Si Tolentino ang nag-institutionalize ng bagong base sa kanyang Senate Bill No. 654.

Binigyang-diin ng senador ang mahalagang papel ng Philippine Navy sa pagtatanggol sa bansa. “The Philippine Navy has been a formidable bulwark that protected the nation from all sorts of threats,” sabi ni Sen. Tol.

“Now that the stakes are higher, I fully understand that you have to be equipped and trained in order to multiply your force and stand ground against those who attempt to trample upon our independence,” idinagdag ng senador.

Ibinahagi din ng chairman ng Senate Special Panel on Maritime and Admiraly Zones ang kanyang patuloy na pagsusulong na ipasa ang mga batas sa maritime zones at archipelagic sea lanes para patibayin ang legal na batayan ng bansa sa alitan sa teritoryo.

Ayon kay Tolentino, kailangang manatiling matatag ang bansa para sa pangmatagalang benepisyo ng pagpapatibay ng mga batas para sa proteksyon ng mga dagat, pagtataguyod ng sea-based economy, para sa kapakanan ng mahihirap at kapus-palad na mangingisda at iba pang manggagawa na umaasa sa mga regalo ng ating karagatan.

Samantala, sinabi ni PN flag-officer-in-command Rear Admiral Toribio Adaci, Jr., na gagawin ng Navy ang lahat para maprotektahan ang soberanya ng bansa.

“As your Navy we are directly involved in preserving and protecting our country’s maritime interest. We will adhere to and stand with the position of our Commander-in-Chief regarding our rights in the West Philippine Sea and the seas all over our archipelago.

We will protect our sovereignty and territorial integrity at all times,” idinagdag ni Adaci.

AUTHOR PROFILE