
Tito Sen, pumalag sa birada ni Paolo! … TAPE, Inc. wala raw “K” magdiwang ng 44th ‘EB’ anniversary
Pinalagan ni Tito Sotto ang pagdiriwang ng 44th anniversary ng Eat Bulaga na produced ng TAPE, Inc at napapanood sa GMA-7.
Kahapon, Saturday, July 29, ay napanood nga ang 44th anniversary celebration ng nasabing longest-running noontime show habang ang E.A.T. naman ng TVJ (Tito, Vic Sotto at Joey de Leon) ay nagdiwang ng “14344: National Dabarkads Day.”
Sa X (dating Twitter) account ni Tito Sen ngayon Linggo ay diretsahan niyang sinabi na walang karapatan ang TAPE, Inc. na magdiwang ng 44 years dahil nagsimula lang itong maging producer ng Eat Bulaga noong 1981. Ang show ay nagsimulang umere noong 1979.
“Tape inc has absolutely no right to celebrate 44 years. They existed only in 1981. They did not exist in 1979. EB ceased to be EB when TVJ left them,” ang tweet ni Tito Sen.
Sinagot din niya ang naging pahayag ni Paolo Contis na nasasaktan sila kapag tinatawag silang “Fake Bulaga.”
Sey ni Paolo, “Marami pong ang nagsasabi na kami ay fake. Marami ang nagsasabi na kami ay fake Bulaga. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong ito. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa staff, walang peke sa pagmamahal ko sa crew, walang peke sa pagmamahal ko sa trabahong ‘to.
“Kaya masakit po sa amin kapag tinatawag n’yo kaming fake Bulaga dahil wala pong fake sa ginagawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao, wala po.”
Ipinost ni Tito Sen ang artikulong lumabas kung saan ay naka-quote si Paolo at ang sagot niya rito ay, “then why not think of a new name?”
Samantala, bukas (Monday, July 31) nakatakda ang ikalawang hearing ng copyright infringement case na isinampa ng TVJ laban sa TAPE, Inc. at GMA-7.