Yedda Tingog Party-list Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre

TINGOG: RA 12177 TINUPAD PANGAKO NG GOBYERNO

April 27, 2025 Ryan Ponce Pacpaco 133 views

Na alagaan ang mga puhunan ang buhay para protektahan ang Pinas

PINURI ng Tingog Party-list, sa pangunguna nina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre, ang pagpasa ng Republic Act (RA) No. 12177, o ang Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel Act, bilang isang makasaysayang batas na nagpapalakas sa tungkulin ng pamahalaan na suportahan ang mga naglilingkod at nagsasakripisyo para sa bayan.

Ipinag-uutos ng bagong batas ang pagbibigay ng libreng legal assistance sa mga miyembro ng military at uniformed services (MUPs) na nahaharap sa mga kasong kriminal, sibil o administratibo na nag-ugat sa kanilang makatarungang pagtupad ng tungkulin.

Kabilang sa legal support ang representasyon, legal advice, paghahanda ng pleadings, at bayad sa korte at notarization.

“This law recognizes that the call to serve does not end when the mission does,” ani Acidre, na kasalukuyan ding kasapi ng Multi-Sector Governance Council (MSGC) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“For those who face legal consequences in the line of duty, RA 12177 ensures that their service is not met with silence, but with tangible support,” dagdag niya.

Si Acidre ang nag-sponsor at nagtanggol sa panukalang batas sa plenaryo ng House of Representatives, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan at agarang pangangailangan nitong protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga uniformed personnel ng bansa.

Saklaw ng batas ang mga miyembro ng AFP, Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor) at NAMRIA Hydrography Branch.

Kasama rin ang mga retirado o honorably separated personnel sa tulong legal sa mga kasong may kaugnayan sa serbisyo noong sila ay aktibong naglilingkod.

Upang matiyak ang mabilis na implementasyon, inaatasan ang mga ahensya na tumugon sa mga kaso sa loob ng 24 oras sa pamamagitan ng pagmomobilisa ng mga legal officer para tumulong sa mga kwalipikadong personnel. Isasama ang pondo para rito sa General Appropriations Act.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na isa sa mga co-author ng panukala, ang RA 12177 ay “proof that the Marcos administration does not leave its defenders behind.”

Binigyang-diin ng Tingog ang pagsunod ng batas na ito sa mas malawak nilang adyenda na palakasin ang legal, fiscal at institutional support para sa mga MUP.

“Legislation must meet the realities on the ground,” sabi ni Tingog Rep. Yedda Romualdez. “This is about more than legal representation—it’s about safeguarding the ability of our uniformed personnel to carry out their duties without fear that they’ll be left behind when challenges arise.”

Kabilang sa mga complementary measures na sinusuportahan ng Tingog ang House Bill No. 8969, o ang Military and Uniformed Personnel Pension System Act, na layong tiyakin ang pangmatagalang sustainability ng pension sa pamamagitan ng pagtatayo ng dedicated trust funds, fiscal safeguards at institutional reform.

Saklaw nito ang retirement at separation benefits, government counterpart contributions at tulong para sa mga indigent pensioners.

Samantala, pinirmahan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang RA 12122 noong unang bahagi ng taon, na nagsasaayos ng termino ng Commandant ng PCG sa tatlong taon, para sa pagpapatuloy at pagpapalakas ng propesyonal na pamumuno sa maritime governance.

Bukod sa mga batas na nakatuon sa kapakanan, patuloy ding sinusuportahan ng Tingog ang AFP Modernization Program, na layong pagandahin ang kakayahan ng Sandatahang Lakas sa pamamagitan ng modernong kagamitan, imprastraktura at training systems.

Nakikita ito ng Tingog bilang mahalaga hindi lamang para sa pambansang depensa, kundi upang matiyak na ang mga sundalong Pilipino ay mahusay na nakahanda at suportado sa harap ng mga bagong hamon sa seguridad.

“RA 12177 sends a clear and urgent message,” dagdag pa ni Acidre. “That those who put themselves on the line for the public good should never face their battles alone—not in the field, not in the courts, and not in the eyes of the law.”

Muling pinagtibay ng Tingog Party-list ang kanilang pangako na itaguyod ang makabuluhang mga batas para sa mga MUP—na magtitiyak na ang hustisya ay hindi lamang pangarap kundi isang garantiya na suportado ng mga polisiya.

AUTHOR PROFILE