
TIKTOK STAR OF THE DAY
“ALWAYS been the upgrade” ang sey ng TikTok star na hindi papakabog pagdating sa pagbibigay contents sa nasabing social media platform.
Si Julianna Armocilla o kung minsan ay kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Topaz” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 350 thousand followers at six million likes sa kanyang account na may username na @armocilla_julianna. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @juliannuuuh_, na mayroon nang halos four thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong halos seven thousand followers ngayon.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, lifestyle contents, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Todo flex din si Julianna sa kanyang lovelife. Karamihan nga sa kanyang viral videos ay kasama ang kanyang nobyo at ang kanilang mga nakatutuwang moments.
Nakapagtapos ang TikTok star ng kolehiyo sa Adamson University kung saan kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Psychology.
Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Ry sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.