Tiktok1

TIKTOK STAR OF THE DAY

November 5, 2023 People's Tonight 406 views

TiktokTiktok2Tiktok3Tiktok4SHE’S got the swag and skin so clear, she’s the TikTok star everyone wants near. Ang digital creator na ito ay tila hindi papakabog pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng netizens dahil sa angkin niyang kinang.

Si Jitzei Elizalde o kung minsan ay kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Mommy Cocozi” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 50 thousand followers at halos 730 thousand likes sa kanyang account na may username na @mommycocozi. Sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @mommycocozi, na mayroon nang higit 14 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong halos 16 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, lifestyle contents, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Na kay Jitzei na nga ang mga sangkap para maipakita sa madla na mayroon siyang maibubuga at pinatunayan ito ng kanyang ganda at talento. Ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE