Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

October 28, 2023 People's Tonight 536 views

TiktokTiktok4

 

 

Tiktok1Tiktok2

@nerizzaroque961

grabe ba ang init 🥵

♬ original sound – BARRY – Yela R.

@nerizzaroque961

♬ original sound – ash

ISANG TikTok star mula sa Camarines Sur ang unti-unting namamayagpag sa nasabing video-sharing app dahil sa angkin niyang aura at alindog.

Si Nerizza Harochoc ay isang 19-anyos TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 160 thousand followers at 1.1 million likes sa kanyang account na may username na @nerizzaroque961. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @nerizzaharochoc, na mayroon nang 190 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook. Ang kanya ngang page na Nerizza Harochoc ay mayroong halos 20 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, sexy outfits, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Isa sa mga pinaka nakapukaw ng atensyon ng netizens na video ni Nerizza ay ang pagbandera niya sa kanyang sexy body habang sumasayaw sa viral dance challenge na “Beat That Boy”. Ang nasabing video ng dalaga ay pumalo sa halos 700K views at halos 85K likes. Bukod pa rito, ang pinaka viral niyang video ay ang seductive lip sync niya sa viral sound na “Ice On My Baby”. Pumalo ito ng one million views at higit 165K likes.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Nerizza sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at ilang brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE