Tiktok5

TIKTOK STAR OF THE DAY

October 25, 2023 People's Tonight 449 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4

@jhayzelxxcute

#thehouseofcollab

♬ original sound – braydin

@jhayzelxxcute

Hi FNC! #thehouseofcollab

♬ New flame mashup – 😉

KILALANIN si Jhayzel Fuentebella, isang TikTok rising star na patuloy na tinatangkilik dahil sa pagpapakatotoo sa sarili. Ang kanyang TikTok account na @jhayzelxxcute ay tumabo na ng 366.4K followers at 1.8M likes.

Noong 2021, nagtapos si Jhayzel sa kursong Hospitality Management Services sa Parañaque City College. Patunay na may pagpapahalaga siya sa edukasyon.

Binali rin niya ang stereotyping at norm online dahil karamihan sa mga kababaihan ay nagpapakita ng kanilang kili-kili kung saan ito ay shaved, maputi, at makinis. Ngunit si Jhayzel ay proud sa kanyang unshaved armpit, na talaga namang hinangaan ng publiko.

Dahil kay Jhayzel, natulungan niya ang maraming kababaihan na maging natural at proud sa kanilang unshaved armpit.

Makikita rin sa kanyang TikTok account ang diverse videos na tampok ang mga kaganapan niya sa buhay. Kabilang dito ang ilang food trips, travels, “a day in life” videos, at maging pasilip sa kanyang trabaho bilang isang content creator.

Hindi rin siya nagpapahuli sa mga trend dahil nakikisabay din siya sa mga viral dance moves online.

AUTHOR PROFILE