Tiktok1

TIKTOK STAR OF THE DAY

October 24, 2023 People's Tonight 358 views

TiktokTiktok2Tiktok3Tiktok4

@joyce_tannn

tara dagat 🏖

♬ INFERNO – Sub Urban & Bella Poarch

@joyce_tannn

♬ TAG NYO KAYA AKO PAG GAGAWIN NYO TOOOO – Josh Galero | IG: joshgalero

YOU will rejoice and be glad when you watch her dance and have fun because Joyce is truly that kind of girl.

Si Joyce Tan o kung minsan ay kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Joyjoy” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 769 thousand followers at 4.8 million likes sa kanyang account na may username na @joyce_tannn. Sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @jyc_tn, na mayroon nang 121 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong higit 26 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, sexy outfits, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Isa sa mga pinaka nakapukaw ng atensyon ng netizens na video ni Joyce ay ang pagsayaw niya habang naka bikini sa viral song na “Inferno” nina Sub Urban at Bella Poarch. Ang nasabing video ng dalaga ay pumalo sa 3.3 million views at halos 335K likes. Bukod pa rito, ang pinaka-viral niyang video ay ang mahusay niyang pagsayaw sa viral dance challenge na “Se Voce Nao Quer Passa a Vez” nina MC Delux at DJ Guih Da ZO. Pumalo ito ng 4.5 million views at halos 470K likes.

Na kay Joyce na nga ang mga sangkap para maipakita sa madla na mayroon siyang maibubuga at pinatunayan ito ng kanyang ganda at talento.

AUTHOR PROFILE