Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

October 22, 2023 People's Tonight 239 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok6

https://www.tiktok.com/@sarahyvonneuy/video/7225868981419199750?_r=1&_t=8giCR7wKr5T

https://www.tiktok.com/@sarahyvonneuy/video/7203603801717181722?_r=1&_t=8giCRMz5Zea

ANG kanyang maliwanag na mga ngiti ang pangunahing sandata ng TikTok star na si Sarah upang patuloy na magningning sa kanyang contents sa social media.

Si Sarah Yvonne Papa o kung minsan ay kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Avocadooo!” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 215 thousand followers at 2.2 million likes sa kanyang account na may username na @sarahyvonneuy. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @harasyvonne, na mayroon nang halos nine thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanyang page ay mayroong higit 37 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip syncing skills, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa paggiling sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Isa sa mga pinaka-nakapukaw ng atensyon ng netizens na video ni Sarah ay ang sexy lip sync niya sa viral song na “Elevate” ni Jeff Grecia. Ang nasabing video ng dalaga ay pumalo sa 1.1 million views at halos 150K likes. Bukod pa rito, viral din ang seductive video niya sa “So High” sped up version ng rapper na si Doja Cat. Pumalo ito ng halos 800K views at higit 116K likes.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Sarah sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE