
TIKTOK STAR OF THE DAY
HER curves, a testament to her uniqueness, radiate confidence and beauty, prove that size could make a difference. Si Belle, ang TikTok star na may iconic moves ay patuloy ang pagkinang sa nasabing video-sharing app.
Si Ara Belle o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Belle” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos two million followers at 11.7 million likes sa kanyang account na may username na @bellearax_. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @urbellex, na mayroon nang mahigit six thousand followers sa kasalukuyan.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip syncing skills, sexy OOTDs, at higit sa lahat ang kanyang husay sa paggiling sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Belle sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.