
TIKTOK STAR OF THE DAY
@frnndzel_ Ror
@frnndzel_ ror
@frnndzel_ Lover
MIRA Fernandez, o mas kilala sa pangalang “Mira,” ay isa sa mga kilalang TikTok star sa kasalukuyan. Hindi lamang siya tanyag sa kanyang kagandahan, kundi pati na rin sa kanyang kahusayan sa pagtulong sa mga netizens na maabot ang kanilang mga “beauty goals.”
Ang kanyang TikTok account, na may username na @terriz.elmira, ay humakot na ng 391.3K followers at 5.3M likes. Ito ay patunay na patuloy siya na tinatangkilik ng publiko sa mundo ng social media partikular na sa TikTok.
Kilala si Mira sa kanyang mga “budol finds,” kung saan ibinabahagi niya ang mga natatagpuang mga produktong sulit bilhin. Kasama rin dito ang kanyang mga “dress outfit” videos, kung saan nagbibigay siya ng inspirasyon para sa mga ootd (outfit of the day).
Hindi rin nagpapahuli si Mira pagdating sa kanyang sense of humor, at makakakita ka ng mga katuwaan sa mga na-upload niyang mga video.
Sa pamamagitan ng kanyang TikTok platform, patuloy na nagiging inspirasyon si Mira sa marami, at patuloy na nagpapamahagi ng kasiyahan at impormasyon sa kanyang mga tagasubaybay. Siya ay isang makabagong influencer na patuloy na nagsusulong ng positibong mensahe sa online world.