
TIKTOK STAR OF THE DAY
SHE’S a Filipina in blood, body, and soul, but she’s also an island girl, always ready to go.
Biyaheng langit ang contents ng TikTok star na si Chelsea.
Bukod sa pagiging flight attendant, kaya niya ring paliparin ang atensyon ng netizens papunta sa kanyas a pamamagitan ng kanyang mga videos sa nasabing social media platform.
Masasaksihan sa TikTok account niyang @cm.barbs ang kinang na meron si Michelle. Nariyan ang mga video niyang ipinapakita ang kanyang lifestyle at pag-ride sa iba’t ibang TikTok viral songs at challenges.
Bukod sa video-sharing app, kinahuhumalingan din ang ganda niya sa Instagram. Masisilayan sa account niya roon na @cm.barbs ang heavenly body at beauty ni Chelsea.
Abot langit nga ang ngiti ng kanyang male followers sa tuwing nagpo-post ng selfie ang social media star at kapag ipine-flex nito ang perpekto niyang hubog.
Perfect nga sa kanya ang pagiging island girl, dahil bukod sa mahal niya ang pagta-travel, mahal niya rin ang nature, kaya natural na rin sa kanya na i-share sa social media ang magagandang isla na kanyang napupuntahan. Regalo na rin niya sa mga fans ang pasabog niyang bikini photos.