
TIKTOK STAR OF THE DAY
MAY angas ang moves ng TikTok star na si Kim Erdel, kaya nga ang netizens sa kanya ay talaga namang gustong maki-angkas sa mga pakulo niya sa social media.
Hataw kung hataw si Kim sa mga viral dance challenges ng TikTok. Sa kanya ngang account na @k1m3rd3l sa nasabing video-sharing app, enjoy ang higit 230 thousand niyang followers sa galing niyang sumayaw.
Bukod sa angas, kaya rin niyang maghain ng aliw sa iba niyang contents. Swak na swak ang timpla ng kanyang beauty at humor kaya mabenta sa netizens ang kanyang videos.
Sa Instagram naman, petmalu kung magpasabog ng kaseksihan si Kim. Sa account niyang @kim.erdel, winner sa bikini ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Beach life ang atake ng karamihan ng kanyang post.
Hilig din niya ang pagta-travel at makikita nga ito sa kanyang feed. Adventurous at maalindog, sa kanya nga ay wala nang kakabog.