Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 27, 2025 People's Tonight 95 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4KUNG ligaya ang laro, walang mintis si Alexandria Bautista Bollier. Parang volleyball serve ang dating niya: mataas ang lipad, diretso sa kilig, at sapul sa tamang kiliti.

Sa bawat galaw niya, dama mo ang lakas at lambing na bihirang-bihira mong makita sa iisang tao. Hindi lang pang-TikTok ang charm ni Alexandria — advocate pa siya ng LGBTQIA+ at ng mga migrant workers, kaya hindi lang puso mo ang naaabot, pati na rin ang konsensiya mo.

Sa bawat TikTok clip niya, parang may paalalang pwedeng pagsabayin ang astig at alindog at siya mismo ang patunay nito. Swabe kung bumato ng “good energy,” pero deadly kung ngingitian ka.

Kaya kung gusto mong ma-spike ang araw mo ng tamang kilig at inspiration, aba, wag na magpahuli — silipin na ang TikTok court ni @alexbautistabollier! Sa game ng lambingan at ligaya, panalo ka dito.

AUTHOR PROFILE