
TIKTOK STAR OF THE DAY
SA mundong punô ng content creators, may isang hindi lang bumibida — kundi bumubuo ng matitibay na feelings. Si Angel Rose Tambal ay isang civil engineer na kayang magpatayo ng gusali at sabay magpaguho ng resistensiya mo sa unang tingin pa lang.
Hindi mo kailangang maging architect para i-appreciate ang kanyang facial structure na may matinding foundation — matulis ang features, matatag ang presence, at hindi madaling mag-crack under pressure.
Sa bawat post niya, para kang pinapasok sa blueprint ng isang magandang pagkakasala — designed to captivate, engineered to impress.
Kung gusto mong masaksihan kung paano bumagsak ang mga puso sa harap ng isang engineer, sumilip na sa TikTok ni @engr.angelrose. Dito, hindi lang poste ang napapatayo — pati kilig, bigla na lang sumusulpot sa blueprint ng gabi mo.