Tiktok5

TIKTOK STAR OF THE DAY

March 18, 2025 People's Tonight 151 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4SA pageant world, sanay na si Kylah Mae Dela Peña sa mga titig na bumabagsak sa kanya, pero sa TikTok, siya na ang bumibihag ng atensyon! Bilang 2nd runner-up ng Miss Mandaue 2024, hindi lang korona ang kaya niyang dalhin pati ang mga puso ng netizens.

Sa bawat post, parang may runway sa screen—elegante pero may mapanuksong kiliti. Hindi niya kailangang sumigaw para marinig, dahil sapat na ang kanyang presence para mapanganga ang mga nanonood.

Balanseng alindog at class, isang bihirang kombinasyon na bumabagay lang sa mga tunay na reyna, kahit tingnan mo pa ang kanyang TikTok: @kydelapena19.

Baguhan man sa TikTok, hindi imposibleng maging bigatin si Kylah Mae sa mundo ng modeling at content creation. Sa tamang halo ng glamor at natural na appeal, hindi lang siya pang-beauty pageant, pang-scroll-stopping din!

AUTHOR PROFILE