
TIKTOK STAR OF THE DAY
KUNG ang ganda ay isang kompetisyon, pasok agad sa finals si Thelma Suzanne Dayao (@suzannethelmaa)! Hindi lang kasi pang-pageant ang kanyang karisma, pang-TikTok din ang hatak niya!
Isang tamang anggulo lang, at para kang nakasilip sa backstage ng isang high-fashion runway. Swabe ang kanyang walk, pose, at killer gaze na parang sinasabi sa mga netizens: “Ready ka na bang mahulog sa charm ko?”
Kahit simpleng video lang, nagmumukhang magazine cover ang feed niya — elegante, confident, at may sariling swag na hindi mo basta matutularan.
Isa siyang reyna na may sariling korona, at ngayon sa TikTok, isa siyang bagong “it girl” na siguradong padagdag nang padagdag ang fans! Masdan mo lang bago mo pa mapansin, naka-follow ka na rin!