
TIKTOK STAR OF THE DAY
MALAKAS ang kamandag ng kanyang karisma sa social media. “The Serpent Girl” kung ituring ang TikTok star na si Erica Garcia.
Bukod sa iconic snake tattoo niya, talaga namang tutuklawin ng mga scroll-stopping niyang contents ang atensyon ng netizens.
Sa account niya ngang @iam_ericagarcia ay angat ang ganda ni Erica sa mga videos. Kering-keri niyang makipagsabayan sa mga viral trends sa nasabing video-sharing app.
Hindi rin pahuhuli sa Instagram ang social media star. Pagdating sa pagbabandera ng kanyang taglay na ka-“ssssseksihan,” panalong-panalo si Erica diyan.
Sa kanyang IG page na @_iamericagarcia, mapapa-wow sa kanyang alindog mula sa mga bikini photos ni Erica. Masusubaybayan din ang lifestyle nya sa account niyang ito.
Siguradong makikilala pa si Erica sa digital world dahil ang mga content na kanyang ibinabahagi ay hahanap-hanapin ng kanyang followers at future supporters.