
TIKTOK STAR OF THE DAY
IT girl ang awrahan ng TikTok star na si Jedy Sonido sa kanyang social media pages.
Kilala rin siya bilang MJ sa Facebook, at sa TikTok account naman niyang @hottie.potatoxx, “J” lang ang kanyang display name.
Kabogera sa paghahain ng nag-aapoy niyang karisma si Jedy, kaya nga power react at shares ang higit 240K niyang followers. Bukod sa pag-lip sync sa viral trends sa TikTok, nagshe-share din si Jedy ng kanyang lifestyle sa app.
Kakaibang Jedy naman ang masusulyapan sa kanyang Instagram account na @ayejedy. Certified hot girl ang social media star. Perpekto ang hubog ng kanyang katawan sa tuwing nagsusuot ng mga bikini.
Sure na tatambayan ng mga kelot ang kanyang page kapag bet nilang makakita ng isang bombshell na tulad ni Jedy.