
TIKTOK STAR OF THE DAY
TALAGA namang bibigyan mo ng pansin ang TikTok star na si Zaira dahil kukulitin ng charisma at kanyang charm ang atensyon mo.
Si Zaira Espino at ang kanyang TikTok account na @itsyourbabygirlzaira ay patuloy na nagbibigay ngiti sa netizens dahil sa contents na kanyang ibinabahagi.
Kabogera kung umawra ang social media star sa kanyang mga lip sync at dance videos.
Powerful ang face card ng bebot. Halatang hindi aayawan ang kanyang mala-anghel na alindog.
All in one din ang ipinapakita niya pagdating sa career at content creation. Fashion, car babe, at freelance model? Check lahat ‘yan kay Zaira.
Samantala, sa kanya namang Instagram account na @zairaespino_, panalo ang pagiging fashionista niya at perfect curves na ibinabandera sa sexy outfits.
Matutunghayan ang pagiging bombshell niya sa mga pasabog na selfies.
Walang duda na hindi agad mapapatigil sa pagningning si Zaira. Patuloy niyang bubulabugin ang mapayapang mundo ng mga tagasubaybay niya para maloka sila sa Eba na katulad niya.