Tiktok2

TIKTOK STAR OF THE DAY

October 3, 2023 People's Tonight 1061 views

TiktokTiktok1Tiktok3Tiktok4

@izencheese_

9:30 tayo sa BIGO today!! 🫶🏻 click the lingk sa aking IG bayo🫶🏻🫶🏻

♬ sonido original – Edwin Alonso

@izencheese_

9pm tayi mamaya! Click the lingk sa bayo ko!

♬ wild side – 𝔩𝔢𝔱

@izencheese_

What if download niyo yung lingk sa aking IG bayo? Koss ko kayo mamaya sa live ko, ay HAHAHAHA

♬ original sound – kpopvrycs

NAKILALA siya sa kanyang mga nakakakilig na dance steps na sure hahatakin ang puso ng netizens. Siya si Crizen Nicole, isang TikTok star at streamer sa isang online platform.

Ngunit sa likod ng kanyang mga nakakakilig na sayaw ay isang kuwento ng determinasyon, pag-asa, at inspirasyon na hindi matatawaran.

Isa si Crizen sa mga nagbibigay-kasiyahan sa libu-libong netizens sa kanyang mga kakaibang dance steps. Ang kanyang mga video sa TikTok account na @izencheese_ ay nagiging viral at naghahatid ng kasiyahan sa mga tao. Ngunit ang tunay na kahulugan ng kanyang kwento ay mas malalim pa kaysa sa mga naglalakihang follower counts.

Dahil sa kanyang pagsasagawa ng livestreaming, nagawa niya na hindi lamang makapagbigay-kasiyahan sa kanyang mga taga-hanga kundi pati na rin mag-ipon ng pera. Ang perang ito ay sapat upang matustusan ang kanyang pangangailangan sa eskwelahan at upang magbigay-ligaya sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang naipundar at ibinigay sa kanila.

“That feeling when you can pay for your own tuition, spoil yourself and your family, and not having to ask for baon anymore,” ani Crizen.

Isang inspirasyon si Crizen para sa mga kabataan na nananabik na makamtan ang kanilang mga pangarap, sa pamamagitan ng pagsusumikap at pagtitiwala sa sarili.

AUTHOR PROFILE