
TIKTOK STAR OF THE DAY
MAY mga sumisikat nang biglaan at may mga unti-unting gumagapang patungo sa korona—pasok d’yan si Rica Jane Peñalba! Hindi nagmamadali, pero bawat post niya ay parang pa-konting patikim ng isang mala-pageant na alindog na hindi mo kayang tanggihan.
Mula sa mundo ng modeling at beauty pageants, bitbit ni Rica Jane ang tikasan na kagandahan na may kasamang tamang tapang at landi. Hindi lang siya pang-rampa—pang-scroll-stopping din!
May class, may finesse, pero may init na parang tahimik na nag-aalab sa ilalim ng lente ng camera. Huwag magpapatinag sa kanyang sweet at disente vibes dahil kapag tumitig siya sa camera, ramdam mo ang confidence ng isang reyna na alam ang kanyang halaga.
Rising star man ngayon, hindi magtatagal at mas marami ang mapapalingon, mapapatigil, at mapapa-follow kay Rica Jane: @ricapen.