
TIKTOK STAR OF THE DAY
SA mundo ng TikTok, hindi lang katawan ang nakakaakit—may mga mukhang kayang gawing estatwa ang sinumang mapatingin. Isa na rito si Angel Brahms Bernaldez, na may face card na walang expiration!
Bawat sulyap niya sa camera ay parang sinadya para lumusot sa kaluluwa mo — isang tahimik pero matinding pang-aakit na hindi mo alam kung lalabanan mo o susuko ka na lang.
Sa 95.5K followers at 4.2M likes niya sa TikTok na @angelbrahms_22, hindi nakapagtataka kung bakit parang may sariling gravity ang kanyang TikTok profile! Wala pang isang segundo, titigil ang mundo mo — isang anggulo lang niya, sapat na para mawala ka sa sarili mong iniisip.
Kung hanap mo ay hindi lang pangkaraniwang alindog kundi isang mukha na may kapangyarihang mang-hipnotismo, si Angel na ‘to! Pero tandaan: isang tingin lang niya, baka hindi mo na kayaning lumingon pa sa iba.