
TIKTOK STAR OF THE DAY
KAPAG si Kayla Heredia ang usapan, hindi lang ‘game on’ — game over kaagad sa kanyang kagandahan. Sa mundo ng gaming, siya ang boss level na hindi mo kayang talunin, at sa beach, siya ang sirenang hindi mo kayang takasan.
Isang certified gamer at island girl, kaya naman sanay siyang magpatalo—pero hindi sa laban ng puso, kundi sa mga kalaban sa digital arena. Sa kanyang TikTok, isang combo move ng astig at nakakaakit ang hatid niya.
Mapapa-wow ka sa kanyang graceful beach shots, pero bago ka pa man makahinga, bigla kang sasalubungin ng kanyang gamer mode na kayang ipanalo ang kahit anong battle — mapa-console man o puso ng kanyang fans. Sino ba naman ang hindi mapapa-ulti sa charm niya?
Kung hinahanap mo ang perfect mix ng chill at thrill, si Kayla na ‘yan! Pero kahit saan mo siya abangan, isa lang ang sigurado—GG ka sa kanyang presence! Bisitahin ang kanyang TikTok: @kaylaherediaofficial.