
TIKTOK STAR OF THE DAY
SA mundo ng online gaming at TikTok, isang pangalan ang hindi mo dapat palampasin: si Jelly Kwong o @jelly_kwong10. Sa kanyang 1.9M followers at halos 14M likes, walang dudang siya ang jackpot na hinahanap ng maraming fans.
Bilang isang betting online game ambassadress, mukhang kahit sa totoong buhay, sugal ang hindi takot sa kanya—at siya mismo ang panalong pusta! Hindi lang ganda at charisma ang puhunan ni Jelly — meron siyang confidence na kayang talunin ang kahit anong bluff!
Sa bawat post, parang may sariling casino royale na ang vibe — classy, pero may wild card na hindi mo mahuhulaan. Kaya naman maraming sumusugal na sundan siya, at bawat bet, siguradong panalo.
Pero sa laro ng tukso, si Jelly ang dealer — ikaw ang bahalang humawak ng baraha, pero siya pa rin ang may kontrol sa laro. Ang tanong: Handa ka bang sumugal? Dahil sa mundo ng TikTok, walang talo sa isang tulad niya, isang winning streak sa bawat tingin!